Kodiseng Boxer

Bahagi ng isang serye tungkol sa
Kasaysayang Prekolonyal ng Pilipinas
Tignan din: Kasaysayan ng Pilipinas
Maginoong Tagalog suot ang pulang damit na nagtatangi sa kanilang uri kasama ang kaniyang asawa

Ang Kodiseng Boxer ay isang manuskritong isinulat noong mga 1595 na naglalaman ng mga iginuhit na larawan ng mga pangkat etniko sa Pilipinas nang unang madatnan ito ng mga Espanyol. Maliban sa paglalarawan ng at pagtukoy ng ngayo'y Pilipinas at iba pang bansa sa Malayong Silangan, naglalaman din ang codex ng 75 kinulayang guhit ng mga naninirahan sa mga rehiyong ito at ang kanilang mga natatanging kasuotan. Hindi bababa sa 15 larawan ay patungkol sa mga naninirahan sa Kapuluan ng Pilipinas.[1]

  1. Roces 1977, p. 1003.

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search